Richard

Paglantad ng nagke-claim na anak ni Richard Yap, may bahid-pulitika?

November 2, 2021 Aster Amoyo 152 views

YapPOLITICALLY-motivated nga ba ang paglantad ng sinasabing anak diumano ng actor-businessman at congressional candidate ng North Cebu na si Richard Yap? Isang nagngangalang Joshua Paolo Jensen (24) ang nag-file ng paternity recognition and affiliation sa Cebu City Regional Trial Court last October 28, 2021 para sa aktor.

Sa phone interview ng CDN Digital sa actor, sinabi umano ni Richard na naniniwala siyang tinulungan ito umano ng dating niyang party mate at ngayon ay katunggali sa pulitika na tumatakbo rin sa pagka-kongresista na si Councilor Prisca Nina Mabatid. Ito’y agad pinabulaanan ng huli. The councilor even challenged the actor magpakuha ng DNA test along with his alleged son nang malaman kung totoo o hindi na siya ang biological father ng binata. Kapag negatibo umano ang resulta ay boluntaryo umano siyang bababa sa kanyang kandidatura sa pagka-kongresista at sana raw ay mangyari ito bago ang November 15, 2021 deadline ng substitution.

Sa ilang panayam kay Richard ng iba’t ibang pahayagan in Cebu, tahasang dinenay ng actor at congressional aspirant na anak niya ang binata pero hindi umano siya magpapa-DNA test.

“I think it is for our lawyers to talk about. If I accept (the challenge) that means that we are guilty or we are thinking that there is a chance but there is really none. Why should I agree to what they want?,” pahayag ng actor sa isang panayam sa kanya.

Ayon kay Josh Jensen, huling nagkita umano sina Richard at ang kanyang inang si Cherymae Valdez from Quezon City nang samahan umano ng actor ang kanyang ina para magpa-ultrasound. Magmula noon ay hindi na umano nagpakitang muli ang actor hanggang sa siya’y isilang sa Bacoor, Cavite kung saan sila nag-relocate.

Narito ang official statement ni Josh Jensen which he posted on his Facebook Page:

“Eto po ang official statement ko dahil parang hindi po ako naintindihan ng una kung bakit ako nag-file ng kaso laban kay Richard Yap. Hindi naman po ako nagpa-media. Nagkataon lang na may media sa Hall of Justice. Sana basahin nyo nang maayos para manahimik na tayo at pabayaan ang korte na magbigay ng decision. Salamat po.

ANONG KASO ANG SINAMPA MO KAY RICHARD YAP?

Acknowledgment of paternity and affiliation

BAKIT NGAYON MO LANG HINANAP ANG TATAY MO?

4 years old pa ako pinuntahan namin siya sa office niya sa CWC sa Makati pero ni minsan hindi niya kami hinarap kasama ang mommy at lola ko. Nung teenager ako, pumunta kami sa ABS-CBN nagpatulong kami kay Tita Tang (Adriano) ng ABS-CBN pero hindi pa rin ako hinarap. Nag-message po ako sa FB at Instagram niya, pero naka-BLOCK na ako after ko mag-message sa kanya.

BAKIT NGAYON KA LANG NAG-FILE?

Nung 18 po ako gusto ko na magsampa ng kaso pero hindi ko alam kung paano. Wala po akong kapasidad dahil mahirap lang po kami. At hindi ko rin alam kung saang lugar ako magrereklamo dahil hindi ko alam ang address niya.

So nung 2019, nalaman ko na tumakbo siya sa Cebu. Nagpatulong ako sa isang congressman para makapunta ng Cebu. Pinakausap niya sa akin yung lawyer kaya lang di ako puwede na mag-file sa Cebu dahil hindi ako tagaroon. So nag-decide ako na tumira sa Cebu at maghintay ng isang taon para makapag-file ng kaso. Nakitira lang ako kung kani-kanino at nakikikain lang. Nung 2020 mag-file na sana ako pero nagkaroon ng COVID so ngayon na maluwag na ang Cebu sa pandemic at may nag-offer sa akin na mga lawyer para tulungan ako kaya nag-file na ako ngayon. Nagkataon lang na tumakbo si Richard Yap ulit pero malayo pa naman ang election di ba so hindi talaga intention na sirain siya.

SABI NI RICHARD YAP HINDI NIYA ANAK SA INTERVIEW

Ang sakit naman po. Alam niya na anak niya ako. Sinamahan pa niya mommy ko ilang beses sa ultrasound. Alam niya ang bahay namin. Humarap siya sa pamilya ko, sa lola ko. Hindi po ako sinungaling. Kaya nag-sampa ako ng kaso para ma DNA TEST kaming dalawa.

SABI NI RICHARD YAP POLITICALLY-MOTIVATED DAW ANG PAG-FILE NG KASO MO?

Hindi po yan totoo. Isa pa, wala na po ang congressman na tumulong sa akin noong election 2019 para lang makapunta ng Cebu. Sariling decision ko po lahat.

MAY KINALAMAN DAW SI KONSEHAL MABATID SA KASO NA ITO?

Wala po. Mabait siya sa akin pero sabi niya na hindi niya ako puwedeng tulungan dahil ka-partido daw niya si Richard Yap. Binigyan lang niya ako ng payo at yun ay lapitan si Richard Yap at kausapin nang maayos.

ANONG MESSAGE MO KAY RICHARD YAP?

Lalong sumama ang loob ko sayo Sir Richard Yap. Mas lalo akong na-challenge na ilaban ang kaso para malaman ng taga-Cebu na sinungaling ka. Wala akong balak sirain ka, pero iniwasan mo ako ng 24 years. Gusto ko lang ng hustisya. Hindi sinungaling ang mommy ko. Kung hindi mo ako anak, hinahamon kita ng DNA TESTING para matahimik na po ako at mag-move on. Bahala na ang taga Cebu na humusga sa yo kung anong klaseng tao ka. Ngayon, hindi na ako naniniwala na mabuti kang tao. Nilinlang mo ang taong bayan. Hindi ka bagay sa public service dahil ako mismo tinalikuran mo. Naniniwala ako na may justice. Diyos na lang ang bahala sa lahat po,” pagtatapos ng post ni Josh Jensen sa kanyang FB account na as of this writing ay meron nang 625 likes, 110 comments at 417 shares.

Samantala, bukas ang aming pahina sa side ni Richard Yap na may kinalaman sa claim ng kanyang `alleged son’ na si Joshua Paolo Jensen.

NicoNico1Nico2Nikko ikinasal na sa long-time partner

IKINASAL na ang 28-year-old actor, ex-PBB housemate at dating miyembro ng all-male dance group na #Hashtags ng noontime show na “It’s Showtime” kung saan din siya nanalo as grand winner sa “Gandang Lalake” segment in 2014 na si Nikko Natividad sa kanyang longtime partner of 7 years na si Cielo Mae Eusebio. Ang kanilang garden wedding ay ginanap sa Club Ananda in Nasugbu, Batangas last Sunday, October 31.

Ilan sa malalapit na kaibigan ni Nikko sa showbiz ang dumalo tulad nina Ejay Falcon at ang girlfriend actress nitong si Jana Roxas, Lance Larena at dating mga kasamahan sa #Hashtags na sina Kid Yambao, Tom Doromal at Ronnie Alonte kasama ang girlfriend na si Loisa Andalio.

Ang mag-asawang Nikko at Cielo ay may five-year-old son na si Aiden na inamin lamang ng dancer-actor nung siya’y nasa loob ng PBB house in 2016.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astemoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE