Kylie

Pagmo-move-on ng lahat, hiling ni Aljur… aktor, nag-react sa interbyu ni Kylie

October 31, 2021 Vinia Vivar 117 views

Napanood ni Aljur Abrenica ang interview ng asawang si Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho at ang ganda ng reaksyon ng aktor.

“After ko mapanood, actually, ang ganda nga, eh. Habang pinapanood ko siya, ang mga naalala ko, ‘yung mga magagandang pinagsamahan namin,” sabi ni Aljur sa online interview niya kay kasamahang Jobert Sucaldito sa programang The Bash.

Marami raw silang pinagsamahang magagandang alaala ni Kylie at isa nga sa best memories niya ay nang ipinagbuntis ng asawa ang panganay nilang anak na si Alas.

Nabanggit nga rin ni Kylie sa KMJS na na-appreciate naman niya talaga ang pag-aalaga sa kanya noon ni Aljur nang mabuntis siya kay Alas.

Sey ni Aljur, “’Yung pag-aalaga ko sa kanya, isa rin ‘yun sa pinakamasaya ko rin dahil ‘yung pagsilbihan ang asawa ko nu’n, eh, masaya na rin ako nu’n. Hindi talaga ako nagtrabaho ng nine months. Since day one, ‘di ako nagtrabaho. Araw-araw ko lang siyang kasama, inaalalayan ko. Araw-araw akong nagluluto ng noodles. ‘Yun ang kine-crave niya, eh.”

Wish ni Aljur na makapag-move na sila, pati na rin ang mga netizen sa nangyari dahil ito rin daw naman ang makakabuti para sa lahat.

HeartHEART, SA AMERIKA MAGPA-PASKO

Pagkatapos ng lock-in taping ni Heart Evangelista ng I Left My Heart in Sorsogon ay lilipad na raw siya pa-USA at doon na siya magpa-Pasko.

Ibinalita niya ito sa kanyang Instagram Live recently.

Ayon kay Heart, may secret project siyang gagawin sa Los Angeles.

“I’ll be there for, I think, over a month and then, I’m also going to go there, hopefully to spend Christmas and I’m also going there for an art exhibit,” sey niya.

Hindi na binanggit ni Heart kung kasama ba niya or susunod ang mister niyang si Gov. Chiz Escudero at ang mga anak nito para magkakasama sila sa Pasko.

Pero siguro naman ay ganu’n nga ang mangyayari dahil ang lungkot naman kung siya lang mag-isa roon sa holiday season.

AUTHOR PROFILE