Julia

Pagbitaw sa relasyon, tanda ng respeto — Julia

September 6, 2021 Ian F. Fariñas 610 views

NANINIWALA si Julia Barretto na may pagkakataon na dapat bumitaw sa isang relasyon.

Sa virtual mediacon kahapon para sa TV comeback series niyang ’Di Na Muli para sa TV5, sinabi ng GF ni Gerald Anderson na bibitaw lamang siya sa isang relasyon kapag ayaw na sa kanya ng karelasyon.

May linya kasi ang karakter niyang si Yanna sa K-drama-inspired ’Di Na Muli na “’pag mahal mo, ’di dapat sukuan” kaya siya inurirat ng press tungkol dito.

Sagot ng aktres, “Siguro I’ll only walk away kapag ayaw na ng isa. I’ll walk away when he walks away. In general, ha? Baka bukas kasi ang dami nating mababasa na naman. Ang hirap sumagot these days. Pero hindi, kidding aside, mahirap sagutin ’yung tanong na ganyan lalo na kapag wala ka sa sitwasyon na ganyan.

“Nasa kutob ’yan, eh. Nasa pakiramdam ’yan. Pero I will only walk away when the person I’m in a relationiship with wants to walk away. And because there is respect. Respect that they don’t want it anymore so ’wag na lang. ’Wag pilitin. Don’t force somebody to be in a relationship with you if they don’t want to be with you anymore. And I think that’s the time to walk away as well. Pero ano… ayun, ’yun lang.”

Kasama ni Julia sa nasabing serye sina Marco Gumabao at Marco Gallo bilang Mico, ang lalaking susubukang baguhin ang pananaw ni Yanna tungkol sa pag-ibig, at CJ, longtime friend ni Yana, respectively.

Paglilinaw ni Julia, wala silang sizzling love scenes ni Marco Gumabao sa ’Di Na Muli kahit pa tila “branding” na ng binata ang pagpapaseksi sa screen.

“Wholesome naman po ’yung project and wholesome din naman ang mga eksena namin ni Marco. So iba rin ’yung Marco na makikita n’yo dito actually, eh. Kasi I think in the past series, like ’yung napanood ko sa kanya, was more daring. ’Yung dito talaga, it challenged him more as an actor than a heartthrob or a matinee actor, tama ba Marco? Yeah, kasi it’s a wholesome story and wholesome ’yung mga eksena namin dito. And I think it’s more on ’yung lalim ng story and lalim ng mga emosyon namin. That is something I’m proud of pagdating kay Marco Gumabao kasi challenging ’yung role niya rito, mabigat, hindi magaan,” patuloy na kwento pa ni Julia sa bagong kapareha.

Ang ’Di Na Muli ay istorya ng pag-ibig na natagpuan at nawala — ang pagpapatuloy sa buhay ng walang pagsisisi.

Isang buwan nag-lock-in taping sina Julia sa Subic kasama ang iba pang miyembro ng cast gaya nina Angelu de Leon, Bobby Andrews at Baron Geisler sa ilalim ng direksyon ni Andoy Ranay.

Puring-puri ni Julia ang dalawang Marco na kasama niya dahil pareho raw mabait at magaling sa trabaho. All-out umano ang ibinigay nilang support sa kanya para maging kumportable siya sa kanilang mga eksena.

“I can’t compare,” aniya pa, “I appreciate the two of them because nakita ko talaga ’yung commitment nila sa characters nila. Aral na aral nila ang mga eksena at emosyon although magkaiba sila ng technique. I appreciate it na na-witness ko ’yon from beginning to end. Napadali ang trabaho ko.”

Mapapanood ang ’Di Na Muli tuwing Sabado, 8 p.m., simula September 18 sa TV5, Sari Sari sa Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30.

Hatid ito ng Viva Entertainment, Cignal at Sari-Sari Channel.

————————–

7 Pinoy animation projects to pitch in Kre8tif! conference in Malaysia

Seven animation projects will comprise the biggest Philippine delegation to pitch in the 12th Kre8tif! Conference and Content Festival in Malaysia, happening from September 8 to 10 on the Conference’s virtual platform.

The Film Development Council of the Philippines (FDCP), in partnership with Kre8tif!, issued a call for Philippine animation projects last August for the Elevator Pitch event, a platform devised for selected studios to pitch their original Intellectual Property (IP) to a panel of buyers within five minutes.

FDCP has participated in Kre8tif! to represent the Filipino animation and film industry since 2018.

The seven animated projects participating in the Elevator Pitch are Mark Lenard Mendoza’s 2D animated feature Rage Radio by Friendly Foes Creative Studio, Karla Circe Consolacion and Mookie Tamara’s 2D traditional animation series Sitio Balete by meowsmouse, Manny Angeles and Avid Liongoren’s adult animation fe

AUTHOR PROFILE