Pagbabalik normal, pagbuti ng pamumuhay
SALAMAT at nanunumbalik na ang normal na pamumuhay sa bansa at marami nang hindi gumagamit ng face mask mula nang ideklarara ito ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na “optional” na lamang sa labas ng bahay o gusali.
Di magtatagal ay gagawin na ring optional ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tanggapan.
Kaya mabibilad na naman ang naggagandahang mukha ng kababaihan at kagwapuhan ng mga kalalakihan, hehe.
Nauunawaan natin ang pag-aalinlangan ng mga gustong panatilihing compulsory ang pagsuot ng face masks ayon sa public health precautions laban sa COVID-19.
Nakasanayan na kasi ito makaraan ang mahigit dalawang taon.
Alin sa dalawa: Takot silang mahawaan ng COVID-19 o variants nito o takot silang “makotongan” ng ilang unipormado dahil di nila alam na ito’y optional na.
Alam natin na hindi pa tayo ganap na ligtas sa banta ng COVID-19 at variants nito ngunit hindi naman papayag ang administrasyong Marcos na manatili tayong mamuhay sa takot sa coronavirus at hindi na makaangat sa kahirapan.
Ayon nga sa Social Weather Stations survey, mahigit 12 milyong pamilya ang naghihikahos kaya naman puspusan ang pagsasaayos na ginagawa ng liderato ni PBBM sa ating ekonomya.
We are on our way to economic recovery and revitalization of industries, creation of jobs and start-up businesses, and continuation of infrastructure.
Ang layon ng pagsisikap na yan ng pamahalaang Marcos ay makamit natin ang “upper-middle-class” economic stature by 2028.
Naniniwala akong patuloy na mababalansa ng gobyerno ang pagpapatupad ng public health standards at ang pagbubukas ng ating ekonomya at pagbabalik sa dati nating paghahanapbuhay.
Dahil patuloy ang rollout ng government COVID vaccination program, hindi na papayag si PBBM na magkaroon pa ng lockdowns, shutdown ng mga negosyo at pagtigil ng mass transportation.
Tulad ng Pangulo, nasasabik din ako sa pagbuti ng pamumuhay at pagbabalik ng ating mga kababayan sa trabaho at maibsan ang paghihirap ng milyun-milyon nating kababayan.
Sa kanyang mensahe sa Bacolod City’s MassKara Festival, sinabi ni PBBM na ang Filipino resiliency ang magiging susi sa pagbangon ng bansa mula sa Covid pandemic crisis.
Iyang Pinoy resiliency ang tema ng trasiyunal na MassKara Festival kung saan ang mga higanteng maskara ng mga mananayaw ay sumisimbolo sa determinsyon ng mga Negrese sa Bacolod na makaalpas sa anumang pagsubok.
Iyan ang dahilan kaya tinawag ang Bacolod na the “City of Smiles.”
Libu-libo ang mga nagtipun-tipon kabilang na ang mga turista para manood ng makulay na parada at street dance competition sa matagumpay na MassKara Festival.
Kinakatigan ko ang panawagan ni PBBM na pag-ibayuhin ang international tourism dahil napakarami nating mga natural wonders at nakaaaliw na cultural traditions gaya ng MassKara.
Nalalapit na ang kapaskuhan at mag-uumpisa na ang tinaguriang the “longest Christmas season in the world” na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa kahabaan ng “Ber Months.”
Ipanalangin natin na ang darating na kapaskuhan ay maging mapagpala at masaya gaya ng ating kinamulatan.