Mon

Pag-a-out, pahirapan kay Raymond

June 16, 2022 Jun Nardo 263 views

PINALAKPAKAN ng manonood at netizens ang pahayag ni Raymond Gutierrez kay Jessica Soho sa GMA program niyang Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday kaugnay ng pagiging member niya ng LGBTQ+.

Ayon kay Raymond, marami siyang pinagdaanang pagsubok bago niya isinapubliko ang tunay niyang kasarian.

Siyempre, kakambal niya ang matinee idol na si Richard Gutierrez at father niya ang dating matinee idol na si Eddie Gutierrez.

Hindi madali para kay Mond ang desisyong ito.

Pero marami pa rin ang humanga kay Mond sa pagtatapat niyang ‘yon.

Mabuhay ka. Raymond! Lalo na’t very successful ka sa pinili mong career as host at sa iba pang fields!

PASOK SA 4TH SEASON

PASOK sa Season 4 ang Regal Studio Presents at isang fresh episode ang inihandog nito last Sunday, June 12, ang Open Minded na pinagbidahan nina Kate Valdez at Paul Salas.

Sa Father’s Day naman sa June 19, ang episode na Long Distance ang mapapanood na pagbibidahan nina Benjie Paras, Prince Carlos at Hailey Mendes.

Para sa final episode sa June 26, handog nito ang episode na She Likes Me, She Likes Me Not na pagbibidahan nina MJ Lastimosa at Elijah Canlas.

Napapanood ang Regal Studio Presents tuwing Sunday, 4:35 p.m., sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE