Angelica

Baby girl, answered prayer — Angelica

June 16, 2022 Vinia Vivar 275 views

It’s a baby girl for Angelica Panganiban and partner, Gregg Homan. Ito ang inanunsyo nila sa kanilang baby reveal vlog sa YouTube last Saturday.

Makikita sa vlog na bago pa man ang pagbisita nila sa ob-gynecologist nang araw na ‘yun ay sobrang excited na sila na malaman ang gender ng kanilang baby.

Nang dumating sila sa clinic at sumailalim na sa ultrasound si Angelica, sa simula ay ayaw pang magpakita ng gender ang baby.

Nagbiro ang doktor na shy type siguro ang baby.

Nang finally ay nakita na na nila ang gender na baby girl nga ito, walang pagsidlan sa tuwa ang future mom and dad hanggang sa mapahagulgol na nga si Angelica.

Umiiyak na niyakap ng aktres si Gregg at bakas na bakas sa dalawa ang kaligayahan.

Ayon kay Angelica, answered prayer daw dahil girl talaga ang gusto niyang maging first baby nila.

“Answered prayer. Secretly, ito ang pinagpe-pray ko. Ang saya! Hindi ako makapaniwala,” masayang sambit ni Angelica.

AUTHOR PROFILE