Screenshot1 Sinusuri ng pulis ang mga nakumpiskang shabu. Larawan mula sa BATANGAS PPO PIO

P740-K halaga ng shabu nakumpiska sa Batangas City

April 16, 2023 Jojo C. Magsombol 268 views

CAMP GEN. MIGUEL MALVAR, Batangas — Tinatayang nasa P746,580 halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawang high value individual (HVI) sa buy-bust na isinagawa Huwebes ng gabi ng mga operatiba ng Batangas City Police Station sa Bgy. Cuta, Batangas City, ayon kay provincial police PIO chief Police Lieutenant Pauline P. Fernando.

Sa ulat ni Provincial Director Police Colonel Pedro D. Soliba kay PRO CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., naaresto ang isang alias At-At, 44, walang trabaho nakatira sa nabanggit na lugar, matapos magbenta umano ng walong heat-sealed transparent plastic sachet sng shabu sa undercover agent bandang 11 p.m.

Tinatayang 52 gramo ng shabu nag laman ng nakumpiskang sachet, ayon sa ulat ni Batangas City Police Station chief P/Lt. Col Dwight F. Fonte, Jr.

Isang alyas Jasmine, 18, walang trabaho, residente rin ng kaparehong lugar ang naaresto 1:13 a.m. noong Abril 14. Nakumpiska sa kanya nang limang pakete na naglalaman ng 56 gramo ng hinihinalang shabu.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang mga naarestong suspek.

“Pinupuri namin ang pulisya sa matagumpay na buy-bust operations. Nagpapasalamat kami sa patuloy na suporta ng publiko para mapuksa ang ilegal na droga. Kung mayroon kayong mahalagang impormasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa mga awtoridad,” ani Soliba.

AUTHOR PROFILE