Default Thumbnail

Waiter, obrero tiklo sa ‘pagtutulak’

April 16, 2023 Steve A. Gosuico 238 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 ang dalawang tulak umano ng shabu matapos silang masakote sa isang buy-bust operation dito 3:30 a.m. nitong Sabado.

Kinilala ni police chief Major Rommel C. Nabong ang dalawang arestadong suspect na isang waiter, 22 anyos at isang construction worker, 21 anyos, kapwa naninirahan sa Purok 3, Bgy. San Juan ACCFA, Cabanatuan City.

Nabatid na kabilang umano ang dalawa sa drug watchlist ng San Antonio police. Nakumpiska sa kanila ang shabu na may timbang na 0.28 gramo at may estimated Dangerous Drugs Board value na P1,904. Kumpiskado din mula sa kanila ang isang Yamaha Mio Sporty motorsiklo na hinihinalang gamit nila sa kanilang ilegal na operasyon.

Ang dalawang arestadong suspect ay dinala sa provincial prosecutor’s office upang humarap sa isang inquest proceedings.

AUTHOR PROFILE