Rubio

P24.6M smuggled na yosi nasabat ng BOC-POZ

October 27, 2023 People's Tonight 153 views

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) kamakailan ang tinatayang P24.6 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo sa Zamboanga City.

Ayon sa BOC, nasabat ang mga sigarilyo ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa tulong ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne” sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City noong Oktubre 20.

Inilagay umano ang kontrabando sa motorized watercraft na may pangalang “MB UTOH MAT MAT.” Galing daw ang mga sigarilyo sa Jolo, Sulu at dadalhin sa Zamboanga City, ayon sa report.

Walang naipakitang importation documents ang limang tripulante ng bangka kung saan nasabat ang mga sigarilyo. Umabot sa 423 master cases ng sigarilyo na may iba’t ibang brand gaya ng President at Cannon Menthol ang nasabat.

Ayon kay Acting District Collector Arthur Sevilla Jr., patuloy ang koordinasyon ng POZ sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para mahuli ang mga smuggler alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

AUTHOR PROFILE