Posas1

Kelot timbog sa panghahalay

October 27, 2023 Jojo C. Magsombol 142 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Inaresto noong Miyerkules ng mga pulis ang isang lalaking suspek sa panghahalay sa Bgy. Mabini, Lipa City, Batangas.

Kinilala ang suspek na si alyas Ronald, ayon sa report ni Batangas Provincial Director Col. Samson Belmonte kay Acting Calabarzon Police chief
Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas.

Ginanap ang manhunt laban sa suspek bandang ala-1:00 ng hapon noong Oktubre 25 sa bisa ng warrant of arrest para sa statutory rape (2 counts).

AUTHOR PROFILE