BOC1 TIKLO–Ang suspek at ang mga narecover na mga kontrabando habang iniimbestigahan ng mga Customs ag Philippine Drug Enforcement Agency personnel.

P218M shabu naharang sa Pasay

April 18, 2024 Jun I. Legaspi 62 views

NASABAT ng Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng 32 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P218,484,000 sa Paircargo Warehouse sa Pasay City, ayon sa ulat.

Idineklara bilang “machinery muffler” mula sa Zimbabwe ang epektos at nabuking na shabu dahil sa profiling ng Customs Intelligence and Investigation Service at x-ray screening ng X-Ray Inspection Project, K9-dog sniffing at physical examination.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), inaresto ang consignee at sasampahan ng kaukulang kaso para sa paglabag sa Customs Modernization Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Binigyang-diin ni NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa and tuluy-tuloy at pinalakas na seguridad sa border security sa paliparan na nagresulta sa napapanahong pagkakakilanlan at pagkatuklas ng subject parcel ng ilegal na droga.

“This seizure represents the effective policies of the Bureau on border protection and underscores the effectiveness of the port’s customs officers,” sabi ni Mapa.

Sa kabilang banda, pinuri ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang mga nakahuli sa nasa likod ng kargamento.

AUTHOR PROFILE