Suspek OK BA BOY?–Tahimik ang naarestong suspek matapos magwala at maghamon ng away habang may hawak na patalim sa Quiapo, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Nagwala na may patalim tameme sa parak

April 18, 2024 Jonjon Reyes 49 views

PARANG maamong tupa ang isang 40-anyos na lalaki ng arestuhin matapos magwala habang may dalang patalim sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Matatag St., Brgy. 392, Quiapo, Manila noong Huwebes.

Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code (Alarms and Scandals) at paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) na nakilalang si alyas Denden.

Bandang ala-1:00 ng madaling araw ng namataan ang suspek na nagsisisigaw at naghahamon ng away habang armado ng 16 na pulgadang patalim.

Sa tulong ng ilang concerned citizen na nagsumbong sa mga pulis, agad na rumesponde sina Police Corporal Rojie Ravanilla at Patrolman Alfrederick Federis kaya nahuli ang lalaki.

AUTHOR PROFILE