Default Thumbnail

P100,000 para sa makapagtuturo sa killer ng Taiwanese national alok ng San Pablo police

November 27, 2023 Gil Aman 245 views

NAG-AALOK ng P100,000 pabuya ang San Pablo police sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matimbog ang mga pumatay sa Taiwanese national na may-ari ng Youtofu restaurant sa Brgy. del Remedio, San Pablo City, Laguna noong Sabado.

Malapitang binaril ang biktimang si Hsien Chieh Chang ng Brgy. Del Remedio, San Pablo City ng isa sa dalawang lalaki na nagpakilalang delivery boys ng liquefied petroleum gas (LPG) ng dumating sa restaurant para patayin siya.

Tinamaan sa pisngi ang biktima at tumagos ang bala sa kanyang ulo.

Ayon naman P/Capt. Felomino Soriano Jr., chief investigator, patuloy ang pangangalap nila ng mga ebidensiya para sa pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen.

Sakay ng pulang Honda TMX na walang plate number ang mga salarin na tumakas matapos ang insidente.

AUTHOR PROFILE