Dizon Inireport ni P/Lt. Col. Roberto Mupas (kaliwa) kay MPD Director Andre P. Dizon ang kanilang mga nakumpiskang ilegal na droga mula sa mga suspek,.habang nakamasid sina P/Capt. Fredwin Sernio ng Palanca PCP at P/Maj. Gil John Lobaton, hepe ng SDEU ng MPD Barbosa PS-14. Kuha ni Jon-jon Reyes

P1.088M shabu nasabat sa MPD PS-14 buy-bust

February 18, 2023 Jonjon Reyes 808 views

PASOK sa selda ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station (PS) 14 , ang isang target sa operasyon sa ilegal na droga, habang nadamay din ang isa pa nitong kasamang lalaki sa isang buy-bust operation sa San Miguel, Maynila, Biyernes ng gabi.

Kinilala muna ang suspek sa alyas na “Boss,” ang target ng nasabing operasyon, na residente sa naturang lugar.

Samantala, damay din ang isang lalaki na hinihinalang “buyer” na dumayo pa sa lugar, pawang residente ng Barangay 41, Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Roberto Mupas, commander ng PS-14, pasado alas 7:00 ng gabi (Pebrero), nang ikasa ang operasyon matapos ang surveillance ng mga operatiba ng nasabing istasyon sa laganap na bentahan umano ng shabu sa lugar ng Quiapo sa lungsod.

Pinangunahan ni P/Maj. Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation.

Matapos magkaabutan ng droga at marked money sa pagitan ng suspek at poseur buyer, dito na agad inaresto ang suspek.

Narekober ng mga awtoridad ang aabot sa 8 plastic sachets ng shabu na 160 kada gramo na nasa loob ng sling bag at may halagang P1.088 million.

Ang dalawang suspek ay sasampahan ng paglabag sa Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) at dadalhin ang mga nakumpiskang droga sa MPD Forensic Unit.

Pinuri at pinasalamatan ni MPD Chief P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon sa matagumpay na anti-illegal operation at sa patuloy na pag-igting ng kontra kriminalidad ni Mupas sa lugar ng Quiapo.

AUTHOR PROFILE