Default Thumbnail

Kusinero ‘tinikman’ 11-anyos na anak ng ka-live-in

February 18, 2023 Edd Reyes 366 views

HINDI lang mga putaheng iniluluto ang “tinikman” ng 30-anyos na batikang kusinero kundi maging ang 11-anyos na batang babaeng anak ng kanyang kinakasama na dahilan ng kanyang pagkakaselda Biyernes ng gabi sa Navotas City.

Kaagad pinakilos ni P/Capt. Mark Joseph Carpio, hepe ng Kaunlaran Navotas Police Sub-Station 4 ang kanyang mga tauhan nang makarating sa kanya ang reklamo ng ina ng biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa tumatayong amain ng bata na isang chief cook umano sa isang restaurant sa Sampaloc, Maynila.

Sa tinanggap na ulat ni P/Col. Allan Benitez Umipig, ang bagong upong hepe ng Navotas Police, mag-isa lamang sa kanyang silid ang biktima nang pasukin ng amain dakong alas-11:55 ng tanghali, araw ng Biyernes at puwersahang “tinikman” ang maseselang bahagi ng katawan ng bata, gamit ang kanyang dila, at kamay.

Nang dumating ang ina ng bata pasado alas-3 ng hapon, kaagad niyang isinumbong ang kalapastanganang ginawa sa kanya ng tumatayong pangalawang ama kaya’t noon din ay naghain sila ng reklamo sa Kaunlaran Sub-Station 4.

Kaagad kumilos ang pulisya subalit hindi na nila inabutan sa bahay ang suspek sa Bgy. North Bay Boulevard Soutn (NBBS) hanggang makatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan ng lalaki sa Tondo, Maynila, dakong alas-8:55 ng gabi at dito nila nadakip ang kusinero.

Isinasailalim na sa “genital examination” sa Camp Crame ang biktima upang magamit ang resulta sa paghahain ng kasong “statutory rape” laban sa suspek.

AUTHOR PROFILE