Default Thumbnail

P.7M cocaine nahuli sa Port of Clark

December 6, 2023 Vic Reyes 115 views

Vic ReyesISANG shipment na naman na naglalaman ng cocaine mula Estados Unidos ang natimbog ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark.

Nagkakahalaga ng P717,000, ang cocaine, isang dangerous drug sa ilalim ng ating mga batas, ay nabisto pagkatapos ng isang masusing profiling.

Idinaan ito sa K9 sniffing at x-ray scanning. “Both sniffing and x-ray scanning indicated the presence of illegal drugs,” ayon sa BOC-Port of Clark.

Nang buksan ito ng mga customs examiner ay bumulaga sa kanila ang isang container na naglalaman ng white powdered substance.

Kumuiha sila ng samples na ibinigay naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board.

Idinaan ang samples sa tinatawag na chemical laboratory analysis na nagkukumpirma na ang puting powered substance ay cocaine.

Ang shipment, na nanggaling ng Los Angeles, California, Estados Unidos, ay deklaradong naglalaman umano ng “hoodies and t-shirts.”

Nag-isyu kaagad si Port of Clark District Collector Erastus Sandino Austria ng warrant of seizure and detention (WSD) laban sa shipment.

Nananatiling committed ang Port of Clark “in combatting illegal drugs as ordered by President Marcos and BOC Chief Bievenido Y. Rubio.

****

May mga bagong abogado na naman ang Pilipinas.

Ayon sa Korte Suprema, 3,812 sa 10,387 examinees ang pumasa sa 2023 bar examinations. Mas mababa ito sa 3,992 passers noong nakaraang taon.

Ang oath-taking ng mga bagong abogado ay gaganapin sa Disyembre 22.

Sana may mga bagong abogado ang pumasok sa Bureau of Customs (BOC).

Sa tingin ng ilang waterfront observers, kasama na ang mga mamamahayag, dapat dagdagan ang bilang ng mga customs lawyers.

Kailangan ng mga bagong abogado sa ahensya para palakasin ang kampanya laban sa mga katarantaduhan sa “snake-infested waterfront.”

Huwag natin kalimutan na kabilinbilinan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa BOC na wakasan na ang ismagling sa bansa.

Lalo na ang pagpasok sa bansa ng mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, marijuana at cocaine, at produktong agrikultura.

Mapapabilis ang pagresolba ng mga kasong ito kung may sapat na abogado ang BOC.

Tama ba, Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio?

***

Malalakas na lindol ang tumama sa ibat-ibang parte ng bansa nitong mga nakaraang araw.

Nandiyan din ang pagbomba sa Mindanao State University sa Marawi City na ikinasawi ng apat na tao at ikinasugat ng mahigit limampu.

Ang masakit nito ay papalapit pa naman ang araw ng Pasko. Kaysa magsaya, may mga kababayan tayong naghihinagpis dahil sa mga pangyayaring ito.

Naniniwala naman tayo na handa ang ating gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong tao.

Sabi nga ng mga otoridad.

Preparado ang iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno dahil paboritong “sparring partner” ng mga natural disasters and Pilipinas.

Tama ba kami, Secretary Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development?

(Para sa inying komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email/[email protected]. iIagay lang ang buong pangalan at tirahan.

AUTHOR PROFILE