Phivolcs

OrMin niyanig ng 4.7 lindol

September 19, 2023 People's Tonight 189 views

NIYANIG ng 4.7 magnitude na lindol noong gabi ng Setyembre 18 ang Victoria, Oriental Mindoro.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakaranas ng intensity III na lindol ang Victoria dakong alas-7 ng gabi na may lalim na 4 kilometro.

Naitala sa intensity II na lindol sa Abra De Ilog at Calintaan sa Occidental Mindoro at sa Bansud at Calapan, Naujan at San Teodoro sa Oriental Mindoro.

Nakaranas ng intensity I na lindol sa Baco, Puerto Galera at Socorro sa nasabing probinsiya.

Walang inaasahang aftershocks mula sa lindol, ayon sa Phivolcs.

Aon kay Roschele Ablan, science research assistant ng Phivolcs, wala pang naiuulat na mga pinsala dahil sa lindol.

AUTHOR PROFILE