Knife

Store owner sinundo para patayin sa Taytay

September 19, 2023 Jojo C. Magsombol 248 views

ISANG lalakI na may-ari ng tindahan ang sinundo para patayin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal noong Sabado ng hapon.

Naganap ang pagpatay noong Setyembre 16, 2023 bandang 9:15 ng gabi sa tindahan sa Block 5 corner Block 2, Sitio Tapayan, Bgy. Sta. Ana.

Ayon sa Taytay town police, napag-alaman na nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima nang sunduin ng hindi kilalang lalaki at iniwan ang kanyang pinsan para mag-tao sa tindahan.

Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap ng impormasyon ang pinsan ng biktima na pinagsasaksak na ang may-ari ng tindahan sa hindi malamang dahilan.

Tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Hiniling na ng mga tauhan ng Rizal Provincial Forensic Unit (RPFU) na magkaroon ng technical investigation habang sumasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.

AUTHOR PROFILE