Default Thumbnail

1 patay, 1 sugatan sa kuryente sa Mulanay

September 19, 2023 Zaida I. Delos Reyes 181 views

PATAY ang isang 45-anyos na magsasaka at sugatan naman ang pamangkin nito nang makuryente sa barangay Mangahan, Mulanay, Quezon noong Lunes.

Nakilala ang nasawi na si Edwin Pereyra. Nagpapagaling naman sa ospital ang kanyang pamangkin na si Angelo Gacula.

Batay sa report ng Mulanay police, naglalakad ang magtiyuhin sa bukid na may dalang bakal na pang-araro nang aksidenteng tamaan ang nakalaylay na electric wire.

Tinulungan ng mga nakakitang residente ang dalawa at dinala sa ospital pero hindi nakaligtas si Pereyra.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung sino ang maaaring managot sa insidente.