Default Thumbnail

SUV vs truck: driver patay, 5 sugatan

September 19, 2023 Gil Aman 292 views

PATAY ang driver ng truck at lima ang sugatan nang bumangga ito sa Toyota Fortuner sa Maharlika Highway sa Bgy. San Antonio 1, San Pablo City Lunes ng umaga.

Kinilala ni P/LT.Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City police, ang namatay na si Oliver Rosales.

Namatay si Rosales dahil sa tindi ng injuries sa kanyang katawan, ayon sa traffic police.

Nakilala ang mga sugatan na sina Mark Antony Villegas, Joel Mendoza Contreras, Royette Uy, Ramples Zuela Aguilar at Maria Pauline Reyes.

Ayon sa report, sakay ng drop side truck ang mga biktima nang bumangga sa Fortuner (DBH 3228) ni Justin Bidea. Hindi ni-report ng pulisya kung nasaktan si Bidea.

Naganap dakong alas 7:30 ng umaga ang bangaan ng dalawang sasakyan na kapwa bumibiyahe sa Maharlika Highway sa magakaibang direksyon.

Galing sa Tiaong, Quezon sina Rosales at mula naman sa San Pablo City ang Fortuner.

Parehong mabilis ang mga sasakyan at inokupa ang gitnang parte ng kalsada na nagresulta sa malakas na banggaan.

AUTHOR PROFILE