Laurel

Ombudsman pinasalamatan ni Sec Laurel

March 19, 2024 Cory Martinez 83 views

PINASALAMATAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Office of the Ombudsman sa pagbawi ng suspensyon sa 24 empleyado ng National Food Authority (NFA) at umaasa na papayagan din ang iba pang suspendidong empleyado na makabalik sa kanilang trabaho.

“Sana ay marami pang babawiing suspension para bumalik na normal ang operasyon ng NFA,” ani Laurel.

Sinuspinde ng Ombudsman ang may 141 na opisyal at empleyado ng NFA kabilang na si Administrator Roderico Bioco dahil sa umano’y maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stock.

Sa pagbawi ng suspensyon sa 24 empleyado, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na base sa kanilang imbestigasyon, may mali sa listahan ng mga empleyado na ibinigay ng DA sa kanila.

Nanggaling ang naturang listahan sa NFA.

Paliwanag ni Laurel na dahil sa agarang hiling ng Ombudsman, ibinigay nila ang listahan nang hindi ito bineberipika kung tama ito upang maiwasan ang pagdududa sa loob ng ahensya.

Samantala, itinalaga ng NFA Council, na pinamumunuan ni Laurel, si DA Director IV Larry Lacson bilang officer-in-charge ng NFA. Pangunahing responsibilidad Ng NFA na tiyakin na mayroong sapat na pondo ng bigas ang bansa at panatilihin ang maayos na operasyon ng ahensya.

Doctor ng agriculture science sir Lacson at miyembro ng Philippine Food Expo Inc. (PhilFoodex).

AUTHOR PROFILE