‘Offshore investment’ ni Sec Tugade

October 6, 2021 Allan L. Encarnacion 467 views

Allan EncarnacionISA si Transportation Secrerary Art Tugade sa naging laman ng Pandora Papers na “worldwide expose” sa mga political figures na may mga investment sa ibang bansa.

Batay sa mga lumabas na isyu, si Tugade umano ay director ng Solart Holdings Limited na isang kompanyang nakabase sa British Virgin Islands, magmula pa noong 2007.

Sabi sa Pandora Papers, hindi nakadeklara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth ni Tugade ang kanyang investment sa abroad magmula nang siya’y mapasok sa gobyerno.

Si Tugade ay dating presidente ng Clark Development Corporation mula 2012 bago nag-resign noong 2016 para tumulong sa kampanya ng kaklase niyang si Mayor Rody Duterte.

Kaya lang, kinontra rin ng Pandora ang sarili niyang balita kasi sinabi rin nila na nakadeklara pala sa SALN ni Tugade ang “offshore investments” na nagkakahalaga ng P57 million. Taun-taon daw ang nakadeklara naman sa SALN ni Tugade ang naturang investment na kanyang nakuha mula pa noong 2003.

Tanong, nakakita na kaya ng SALN ang mga sumulat ng balitang ito laban kay Tugade?

Ang karaniwang nakalagay na detalye sa SALN kapag tungkol sa property ay “house and lot, sa pesonal effect mga jewelries, signature bags or kotse at kapag investment, hindi naman inilalagay talaga doon ang details.

Iyong ‘offshore investment” ay maliwanag na business interest sa labas ng Pilipinas, ibig sabihin deklarado sa SALN ni Tugade.

Ngayon tanong, nagbibiro ba si Pangulong Duterte nang sabihin niyang bilyunaryo si Tugade bago pa pumasok sa gobyerno? Ang pamilya ni Sec. Art ang may-ari ng Perry’s Group of Companies na ang line of business ay international logistics handling at may sariling building malapit sa NAIA 1.

Personal na kaibigan natin si Tugade kaya nasubaybayan natin ang kanyang career sa gobyerno. Kung mabilis akong bumunot sa bayaran sa tuwing kami’y magkakape, mas mabilis sa akin si Sec Art. Kidding aside, walang record si Tugade na nagpapalibre kahit sa kaninong tao, supplier, govt officials at kahit pa mga foreign guests.

Makailang ulit na nating nabalitaan na nagpapabalik si Tugade ng mga regalo sa kanya kahit ano pa ang dumating sa kanyang opisina. Hindi nila masusubukan si Tugade sa kahit anong panahon na masqsangkot sa katiwalian, lalo na ang undeclared assets.

Naniiwala tayong ang deklarasyon ni Tugade as “offshore investments” ay maliwanag na negosyo sa abroad. Hindi ito mahirap maunawaan kaya wala tayong nakikitang isyu laban sa kanya.

May mga tao lang talaga na hindi nakakaintindi na ang offshore investment per se ay siya nang deklarasyon.

Konting aral din paminsan-minsan.

allanpunglo@gmail.com