Posas

Nueva Ecija murder suspect huli

July 25, 2023 Steve A. Gosuico 252 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija — Nasakote ng pulisya sa bayang ito ang isang murder suspek na umano’y dating gumagamit ng ilegal na droga noong Lunes.

Kinilala ang suspek na 48-anyos, walang trabaho, ng Purok 1, Bgy. Sta. Cruz, San Antonio, Nueva Ecija.

“Drug dependent yata itong suspect, parang my bumulong daw sa kanya na saksakin nya yun biktima,” sinabi ng hepe ng pulisya ng bayan na si Major Rommel C. Nabong sa Journal Group.

Ayon kay Nabong, hindi pumalag ang suspek nang hulihin siya nina Staff Sgt. Froilan Piadozo sa kanyang bahay alas-2:05 ng hapon noong Lunes.

AUTHOR PROFILE