PCG

11 nailigtas ng PCG sa lumubog na bangka sa Surigao City

July 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 277 views

LABING-ISA katao ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na lumubog ang sinasakyang Bangka sa katubigan ng Day-asan, Surigao City.

Lulan ang mga biktima ng MBCA Justin mula sa isang floating resort nang sumadsad ang bangka na naging dahilan ng pagkasira ng makina at propeller nito.

Agad na nakahingi ng tulong ang mga biktima sa PCG na mabilis namang rumesponde.

Gamit ang rubber boat, dinala ng mga tauhan ng search and rescue team ng PCG ang mga biktima sa Coast Guard Special Operations Unit Boathouse bago pa man lumubog ang b angka.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.