Yague Si Eng. Alex Yague, executive director ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas (dating PBOAP).

‘NRS’ malaking tulong sa pampublikong transportasyon

June 22, 2022 Jun I. Legaspi 81 views

NANAWAGAN ang Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas (dating PBOAP) na pakinggan sila o maaaring tuluyang “mamatay” ang industriya ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay Engineer Alex Yague, Executive Director ng grupo, nasa “survival mode” ngayon ang pampublikong transportasyon (metro at provincial bus, mga taxi, traditional jeepney, public utility van, delivery tricycle, at iba pa) at kung hindi tutulungan ng gobyerno ay posibleng mamatay ito o tuluyang mawala na at na malaking dagok sa mga naghahanap buhay sa industriya maging sa pasahero.

Sa isang interview, sinabi ni Yague sa ngayon 30% lang ang “operational” na mga public transportation sa loob at labas ng Metro Manila, at “on rotation” pa ang mga ito, dahil lahat ay apektado ng sobrang taas na presyo ng diesel at gasolina.

Sinabi din ni Yague na ayaw na ring magpautang ng mga financial instututions at bangko dahil hindi naman bumibiyahe at naka-garahe lang ang mga bus.

Malaking tulong ang proposal ng grupo na “Non-Revenue Solution” o NRS na hiling din ng mga transport group lalo na ang operators ng bus n asana ay “isagawa agad ang pag-review sa modernization program.”

“Instead na 15-year phase-out na gawing roadworthiness ang requirements [sa bus], kahit 15 o 16 pa kung roadworthy pa [ang bus] ay payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board [LTFRB] na huwag i-phase out,” saad ni Yague.

Hiling din nila na payagan muli ang provincial bus na dumiretso sa kanilang mga bus terminal sa loob ng Metro Manila, para sa kapakanan at kaginhawaan ng mga pasahero.

Dagdag pa ni Yague, lahat ng provincial bus ay nakagarahe sa mga terminal sa loob ng Metro Manila, kaya bumibiyahe pa ito sa mga designated terminal ng walang pasahero gayun din pabalik kung igagarahe na, ay sayang umano ang nakukunsumong diesel.

“Yung pamasahe ay kailangan din talagang bigyan pansin, dahil sinunod ng transport industry ang utos ng Department of Labor and Employment [DOLE] na itaas ang daily wages, at yung bayad sa toll fees triple din ang itinaas – lahat ito ay karga sa bawat biyahe ng bus,” paliwanag ni Yague.

Maging ang pagpaparehistro ng mga units ay mabigat din dahil kahit 20% lang ang tumatakbong unit ay yearly o mandatory dapat iparehistro ang 100% ang mga bus ng operators para iwasan ang karagdagang penalty nito, ayon pa kay Yague.

“Maging ang mga tindahan sa loob at paligid ng mga terminals ay naapektuhan dahil nawalan ng mga customers maging yung mga washers ng mga bus nawalan din ng pagkakakitaan dahil walang biyahe wala silang huhugasan o lilinising mga bus,” saad ni Yague na malaki ang naapektuhang kabuhayan sa pagtigil o limitadong pagbiyahe.

“Lahat ng sinabi at sinasabi namin ay ‘malaking tulong’ para maisalba ang public transportation, at naniniwala kami [na] tutulungan kami ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.,” pagtatapos ni Yague.

AUTHOR PROFILE