Ninongry

Ninong Ry, may pa-dyowa reveal sa ‘SRR Extreme’ preem

November 25, 2023 Ian F. Fariñas 619 views

Ninongry1SRRXMAY pa-dyowa reveal ang chef vlogger-turned-showbiz celebrity na si Ninong Ry sa katatapos na red-carpet premiere ng Regal Entertainment, Inc. horror trilogy na Shake, Rattle & Roll Extreme kung saan isa siya sa mga bida sa second episode na Mukbang.

Karay-karay nga ng sikat na YouTuber ang preggy real-life partner niyang si Stephanie de Guzman, na ayon sa kanya ay talagang camera shy at hindi mahilig sa limelight.

Hindi naman napahiya si Ninong Ry sa pagbitbit dito dahil bidang-bida at markado ang papel na ginampanan niya bilang Chef Kino sa episode na dinirek ni Jerrold Tarog.

Katunayan, isa siya sa mga tinilian at pinalakpakan, lalo na sa mga intense scene niya gaya na lang ng “confrontation” nila ng reel/real-life assistant niya na si Ian Gimena.

Pagkatapos ng screening, nahingan ng reaksyon si Ninong Ry tungkol sa mainit na pagtanggap ng manonood sa kanyang acting debut.

Aniya, “Ang tigas-tigas ng katawan ko. Pero nakakatuwa. Hindi ko in-expect na ganu’n siya lalabas, sobrang ganda and nakakatuwa lahat ng episodes siyempre. ‘Yung una, medyo hanggang ngayon iniisip ko pa rin, ‘yung huli, ina-anxiety pa rin ako hanggang ngayon kasi nakakapagod siyang panoorin. I mean, nakakatawa pero at the same time, ‘andu’n pa rin lahat ng elements na hinahanap natin.”

Dagdag pa niya, medyo weird ang experience dahil hindi siya sanay na marami ang nakakapanood sa kanya. ‘Pag nagba-vlog daw kasi sila, wala namang tao kundi sila-sila lang magkakaibigan.

“Tapos ngayon ang daming nakakapanood and wala, sobrang kakaiba lang sa pakiramdam. Salamat, salamat,” patuloy ni Ninong Ry.

Hinangaan din ng audience ang husay nina Iza Calzado (sa Glitch episode ni Direk Richard Somes) at Jane de Leon (Rage episode ni Direk Joey de Guzman) sa kanya-kanyang maaksyong mga eksena.

Ang naging running joke tuloy, nadala raw ni Iza ang pagiging Sang’gre Amihan niya sa pelikula habang si Jane naman, na standout sa chainsaw scene, nag-ala-Darna.

Ayon sa mga nakapanood, swak ang salitang “extreme” sa titulo ng pinakabagong installment ng highly successful SRR franchise dahil obvious na ginastusan at kinarir ang effects at masusing binusisi ang production design ng bawat episode.

Ibang level nga ang adrenaline na hatid ng pelikula dahil itinodo nito ang katatakutan at gore although naroroon pa rin siyempre ang tipikal na paninindak at pangingilabot na kinagiliwan ng SRR fanatics through the years.

Mabubusog din ang mga mata ng audience sa husay na ipinakita ng all-star cast na kinabibilangan din nina Paolo Gumabao, Jane Oineza, RK Bagatsing, Miggs Cuaderno at marami pang iba.

Sabi nga ng Regal exec na si Roselle Monteverde, “I am extremely overjoyed and having no regrets in producing #ShakeRattleRollExtreme after nine years! The comeback is more than great! Congratulations to all the casts, to the directors (Richard Somes, Jerrold Tarog, Joey de Guzman), to the awesome hardworking staff in production, writers, creative team, post, vfx, music, audio, promo team, digital team… I missed cinema! And yes! this is for cinema release, no doubt! Nice to hear people screaming, laughing and even the quiet moments you know something great is happening! This is just so inspiring and motivating! Thanks to everyone that joined us in the premiere night! Thanks for the support from our beloved media friends.”

Ang Shake, Rattle & Roll: Extreme ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula November 29.

AUTHOR PROFILE