Awra Larawan: Awra Briguela/IG

Awra Briguela ‘not in good terms’ sa kanyang tatay

November 25, 2023 People's Tonight 149 views

INAMIN ng socmed personality at ng aktor na si Awra Briguela na minsan ay hindi sila nagkaka-intindihan ng kanyang ama.

Sa kanyang Instagram, Biyernes, Nobyembre 24, binati ni Awra ang kanyang supportive na ama at pinasasalamatan pa niya ito.

Aniya, “happy birthday pa, masaya ako para sayo kaya naman goodluck sa bago mong tatahakin. Salamat sa lahat pa.”

Idiniin pa ng komedynte at “FPJ’s Ang Probinsyano” star na kahit madalas ay hindi sila nagkakasundo ng kanyang tatay sa mga bagay-bagay ay hindi umano siya iniwan nito.

“Marami man tayong hindi pagkakaunawaan at madalas hindi tayo nagkakaintindihan, salamat kasi hindi ka nawala sa tabi ko at hindi mo ko pinabayaan. Mahal kita pa at hangad ko ang kaligayahan mo,” sey pa ni Awra.

AUTHOR PROFILE