Sheynnis Palacios

Nicaragua nasungkit korona ng Miss Universe 2023

November 19, 2023 People's Tonight 273 views

KINORONAHAN bilang Miss Universe 2023 si Sheynnis Palacios mula sa Nicaragua, ang unang korona ng kanilang bansa, matapos makuha ang titulo sa ika-72 edisyon ng Miss Universe na ginanap sa El Salvador.

Si Sheynnis ay isang modelo, host, at noon ay nakapasok sa Top 10 ng Teen Universe 2017 at Top 40 ng Miss World 2021.

Bago ang panalo ni Sheynnis, apat na beses lamang nakapasok ang Nicaragua sa Miss Universe mula nang unang sumali noong 1955.

Ito naman ang naging final question: “If you could live one year in another woman’s shoes, who would you choose and why?”

“I would choose Mary Wollstonecraft, because she opened the gap to give an opportunity to many women. What I would do is to have that income gap would open up so women could work in any area that they choose to work in because there are no limitations for women. That was 1750. Now in 2023 we are making history,” ani Sheynnis.

Si Anntonia Porsild mula sa Thailand ang sumunod bilang first runner-up. Sinundan naman siya ni Moraya Wilson mula sa Australia na tinanghal na second runner-up.

Samantala, ang pambato naman ng Pilipinas na si Michelle Dee ng Pilipinas ay nakapasok sa Top 10.

AUTHOR PROFILE