Revilla

Princess Revilla ipinagpapatuloy ang legacy ng mga magulang

November 12, 2023 Eugene E. Asis 505 views

Revilla1Revilla2Revilla3Revilla4Revilla5Revilla6Revilla7Revilla8IPINAGPAPATULOY ng dating aktres na si Princess Revilla ang legacy ng mga magulang, ang late actor-senator Ramon Revilla, Sr. at Azucena Mortel, bilang philanthropist. Nagkaroon ng kick off activity sa pamamagitan ng gift giving at feeding program ang Princess Revilla Foundation, Inc. para sa ,ay 400 kabataan, na may edad mula 3 hanggang 12 noong Oktubre 29, 2023, sa Brgy Habay II sa Bacoor City.

Kasama ang kanilang mga magulang, ang mga bata ay nag-enjoy sa mga palaro, gayundin sa mga pagkaing inihanda ng foundation. Namigay rin si Princess ng mga premyo para sa mga batang may pinakamagandang Halloween cosrumes.

Ang Princess Revilla Foundation, Inc. (PRFI) ay itinatag noong 2021. Bago rito, itinatag din ni Princess ang Azucena Mortel Bautista Memorial Foundation inoong 1999 bilang pagpupugay sa kanyang ina, Nagsagawa sila ng pagtulong sa mga disaster areas, at nag-sponsor ng mga medical and dental missions, nagbigay ng scholarships para sa mahihirap pero may hangad na makapag-aral, at iba iba pang welfare programs para sa mga kababaihan at mga kabataan, gayundin sa mga hayop at iba pang proyektorng pasngkawanggawa.

Ayon sa soft spoken na si Princess, ang misyon ng PRFI asy makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan at edukasyion para sa mga komunindad na kulang sa kakayahan upang makapagsimula ng isang magandang bukas.

AUTHOR PROFILE