Vern Larawan mula sa IG/Vern Kaye

Nakakatuksong isangla

May 25, 2024 People's Tonight 125 views

KAHIT na ikumpara man sa isang mamahaling alahas ang Vivamax actress na si Vern Kaye, ay walang katapat na halaga ang kanyang taglay na kinang para isanla.

Nakakasilaw ang makinis na balat ng sexy star at nakakapaso ang kaseksihan niya sa ibinidang larawan sa Instagram.

Mula kilikili hanggang sa kasingit-singitan ng kanyang wetpaks na malaman, wala kang makikitang anyo ng kadiliman.

“See you on the other side,” sey ni Vern sa caption ng kanyang post.

Nag-ala mamahaling pigurin ang perpekto niyang pigura sa suot na two-piece gold chains bikini.

Pudpod na naman ang mga daliri ng netizens na tambay sa kanyang IG page kaka-zoom in sa sexy photo ni Vern.

Pinukol naman ng mga makamundong titig ang killer body ng Vivamax actress. Paraiso para sa male fans ang tanawing masisipat sa hubog niya.

Nagningning ang comment section ni Vern sa mga papuri sa kanya ng netizens. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang larawan ng aktres.

Pamilyar ang publiko kay Vern dahil sa kanyang mga pagganap sa ilang proyekto kabilang na ang Kasalo (2024), Salitan (2024), Stag (2024), at Araro (2023).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar