MissU Larawan: Miss Universe

Rhian pinuna ‘glitch’ sa Miss U

November 19, 2023 People's Tonight 140 views

MAY naging reaksyon si Rhian Ramos sa umano’y kaganapan sa katatapos lamang na Miss Universe.

Sinegundahan naman ito ng netizens na naniniwalang diumano ay may kakaibang nangyari dahil sa umano’y glitch sa na-post na pubmat ng Top 5 ng Miss Universe 2023.

Napansin ng netizens na kasama ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa Top 5 sa naunang post, ngunit napalitan ito ni Anntonia Porsild ng Thailand.

Nasaktan din si Rhian sa naging resulta ng umano’y glitch sa pubmat.

Si Rhian ang best friend ni Michelle. Bigo mang maiuwi ang korona, proud si Rhian na nakatungtong sa Top 10 si Michelle.

AUTHOR PROFILE