Julia

Netizens, nataranta sa broken heart post ni Julia

April 13, 2023 Vinia Vivar 290 views

Ginulat ni Julia Montes ang kanyang fans and followers sa Instagram dahil sa latest post na black screen with a broken heart emoji. May nakalagay ditong date na 04.18.23.

Wala nang caption pang inilagay si Julia kaya naman nagkagulo ang netizens sa comment section kung ano ang ibig sabihin ng aktres sa kanyang post.

“Ano to? Napapaisip na nman kami mga taga hanga mo juls…” sabi ng isang fan.

“Ohh bakit heartbreak,” tanong naman ng isa pang IG user.

“Oh NO,” reaksyon ng isang netizen.

May mga nagtanong naman kung anong project ba ito, teleserye ba o movie. Pero mas marami ang nag-worry at gusto nilang malaman kung okay ba ang aktres.

“Bebe nung nakaraan lang special day post mo nag abang kami wala naman. Tapos ngayon broken heart naman, imposibleng sa personal life ‘to kasi advance ung date. Anu? Advance agad pagiging broken??” ang saad ng isang fan na halatang nag-aaalala.

“Kinakabahan naman ako. Di ko alam kung anu ‘to sana bagong project. Wag naman ganito mag suspense bebe,” komento ng isa pang supporter.

“Di ba sinabi ng Dreamscape may bagong project si Julia, so ito na siguro iyon,” positibo namang sey ng isa pang netizen.

Hula ng iba, may big announcement si Julia sa April 18 at kung ano ito, ‘yan ang malaking tanong ng fans.

Last Easter Sunday ay nag-post din si Julia na nasa isang skin care salon siya at nagpapa-beauty para sa isang special day kinabukasan.

“Prepping for a very SPECIAL day tomorrow,” caption niya.

May kinalaman kaya sa “special day” na ito ang bagong post ni Julia? Ano kaya ang pasabog niya sa April 18 at bakit may drama pang broken heart?

Well, ‘yan ang dapat abangan.

CINEMATIC EXPERIENCE

One week to go at mapapanood na ng mga Kapuso at diehard fans sa big screen ang patikim sa inaabangang Voltes V: Legacy.

Bago ang pinakahihintay nitong premiere sa GMA Telebabad, ipalalabas muna ang Voltes V Legacy: The Cinematic Experience sa SM Cinemas mula April 19 hanggang April 25.

Tampok sa #V5LegacyTheCinematicExperience ang special edit ng unang tatlong linggo ng first-ever live-action adaptation ng hit anime series na Voltes V.

Maaaring bumili ng tickets online. Pwede ring personal na magtungo sa SM Cinema ticket booths. Abangan ang Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad sa May.

AUTHOR PROFILE