JM

Netizens nagkagulo sa Donnalyn post ni JM

February 22, 2024 Vinia Vivar 103 views

Labis na pinakilig ni JM de Guzman ang netizens at fans na nagru-root sa kanila ni Donnalyn Bartolome sa kanyang latest Instagram post.

Nagbahagi ang aktor ng larawan nila ni Donna na naka-wedding outfit at mukhang dumalo sila sa isang kasalan.

“How i wish i see you walk down the aisle. @donna,” caption ng Linlang actor.

Nagkagulo ang netizens sa naturang post at ang daming nagtanong kung sila na ba.

Sey pa ng netizens, bagay na bagay ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga comment:

“kayo na ba???? please nmn kayo nlng plssssss ??”

“Sana nga totoong kayo na”

“Huyyy kayo na? Sana nga”

“Huy you twooooo @donna”

“may nanalo na. opisyal naaa”

“Wow! So happy for you JM you found the one.”

“Jusko di aq mkhinga sa kilig… bagay na bagay talaga”

“Sila na yan.”

Matatandaan na last year ay sinabi ni JM na isang taon na siyang nanliligaw kay Donnalyn.

Mukha namang nagbubunga na (o nagbunga na?) ang panunuyo ng aktor although wala pang update mula sa kanila kung ano na ba ang estado ng relasyon nila ngayon.

AUTHOR PROFILE