Alex

Katawan inihahanda ni Alex sa muling pagbubuntis

February 22, 2024 Vinia Vivar 70 views

Inihahanda na ni Alex Gonzaga ang kanyang katawan para sa muling pagbubuntis.

Ibinalita ito ng aktres/vlogger sa kanyang latest broadcast channel.

Kwento niya, nagpunta na sila ng mister na si Mikee Morada sa isang doktor.

“Came from my immunology doctor. Prepping my body for pregnancy,” saad ni Alex.

Pagpapatuloy niya, “Claiming it this year.”

Makikita rin sa update ni Alex ang larawan nila ni Mikee sa loob ng sasakyan.

Ayon sa isang medical website, ang immunology doctor ay ang gumagamot o tumitingin sa mga sakit na nagmula sa mga problema sa immune system.

Matatandaan na dalawang beses nang nagkaroon ng miscarriage si Alex. Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa na magkakaroon din sila ng anak ni Mikee.

Alam niya na darating din ito sa tamang panahon at sa kagustuhan ni Lord.

AUTHOR PROFILE