Derek

Ellen, Derek sinusubukang muling makabuo sa Antarctica!

February 22, 2024 Eugene E. Asis 78 views

SA isang magkasamang post sa Instagram, makikita ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na nagi-enjoy sa isang pamamasyal sa Antarctica.

Ayon kay Derek sa post: I’m happy you are happy! You’re my best friend and the love of my life @maria.elena.adarna

Habang naglalakad si Ellen sa yelo, nagbibiruan pa ang dalawa.

Ani Derek: ‘Are you happy?’

Sagot ni Ellen: ‘Ha? Yeah! Thank you…Thank you for (the) amazing gift.’

Tugon ni Derek: ‘I’m your gift.’

Susog ni Ellen: ‘Thank you God for my amazing husband who gifted me this gift.’

Halatang masayang-masaya ang dalawa. Nag-share din ang celebrity couple ng ilang larawan habang naglalakad sa malamig na kapaligiran, na may isang pulutong ng mga penguin.

Noong isang taon, kasama nila ang anak ni Ellen na si Elias (sa aktor na si John Lloyd Cruz) sa kanilang biyahe sa Norway at New Zealand.

Ngayon silang dalawa lamang sa biyahe at may mag nagsasabi na sinadya nila upang muling sumubok na muling magkaroon ng anak.

Sa presscon ng kanyang Metro Manila Manila Film Festival 2023 entry na ‘Kampon,’ ipinagtapat ni Derek na nagkaroon ng miscarriage si Ellen at pareho silang devastated dahil sa nangyari,

Sa ngayon, ginagawa ng dalawa ang lahat upang mabuntis muli. Bilang pag-iingat, iniwasan na rin ni Ellen ang ilang mga bagay na maaring makaapekto sa pagbubuntis, tulad ng vaping,

At dahil sa lamig sa Antarctica, sana nga’y makabuo na ang dalawa.

AUTHOR PROFILE