Alex

Netizens, naantig sa ‘buntis look’ post ni Alex

January 23, 2024 Vinia Vivar 107 views

Marami ang na-touch sa ipinost ni Alex Gonzaga sa Instagram Story kung saan ipinakita niya ang hitsura niya kapag buntis sa pamamagitan ng isang app na kapag ginamit mo ay magmumukha kang preggy.

Kasama ni Alex ang asawa niyang si Mikee Morada at makikita ngang malaki ang tiyan ng aktres/vlogger kapag itinatapat niya ito sa camera gamit ang app na akala mo ay preggy siya.

Mapapanood din sa video na nagkakatuwaan silang mag-asawa at pati si Mikee ay sinubukan ding tumapat sa camera at nagmukha rin siyang buntis.

Sinubukan din ni Alex na i-try ang kanyang butt at lumaki rin ito nang bongga.

Caption ng kapatid ni Toni Gonzaga, “checking if bagay. Parehong bagay.”

Isa pa niyang caption, “bagay naman diba kaya Lord kahit yung pwet nalang muna.”

Sa comments section ay marami ang naaliw and at the same time ay naantig dahil bakas na bakas nga naman sa mag-asawa na gustung-gusto na nilang mabuntis si Alex at magka-baby.

Komento ni Yassi Pressman, “awwwww lex.”

Si Jessy Mendiola naman ay nag-react ng praying hands and heart emojis.

Mensahe naman ni Karen Davila, “Awwww. The Lord will hear your prayers my dear.”

Halos lahat ng nagkomentong netizens ay ipinagdarasal na sana nga’y matupad na ang hinihiling ng mag-asawa na magkaroon ng anak.

Matatandaan na dalawang beses nang nagkaroon ng miscarriage si Alex. The first one was in 2021 at ang pangalawa ay noong 2023.

Umaasa ang mag-asawa na ibibigay pa rin ni Lord ang kanilang hinihiling na anak sa tamang panahon.

AUTHOR PROFILE