Lolit

LOLIT, KUMASA SA BASHERS NI BONG

January 23, 2024 Vinia Vivar 112 views

Umalma ang veteran talent manager/entertainment columnist sa mga nagba-bash kay Sen. Bong Revilla at sinabing humina na ang popularidad ng action star.

“Nakakatawa talaga iyon mga critics ni Bong Revilla. Nagtataka ako na ikinakalat nila na bumaba ang popularity rating ni Bong lately. Paano mo sasabihin iyon eh meron siyang TV show sa GMA na hinuhulaan magiging mataas ang rating dahil kakaiba ang istorya,” pagtatanggol ni ‘Nay Lolit sa kanyang anak-anakan sa Instagram kahapon.

Hinamon pa niya ang netizens na sabayan si Sen. Bong sa mataong lugar para malaman na pinagkakaguluhan pa rin ito.

“Tingnan nga natin kung sabay lumabas sa isang mataong lugar si Bong Revilla kasabay ng mga taong nagsasabi na mababa na ang popularity niya kung sino ang mas lalapitan at pagkakaguluhan ng tao,” sey ni ‘Nay Lolit.

“Ewan ko ba kung bakit tulad nuon na ginawan siya ng issue dahil malakas ang ugong na baka tumakbo siya sa mataas na puwesto na naging dahilan pa para ikulong siya sa Crame, ngayon naman gusto nila manipulate utak ng tao na hindi na ganuon kalakas si Bong Revilla.

“You can never put a good man down. Sa dami ng nagawang kabutihan ni Bong tiyak na marami ang taong nagmamahal sa kanya. Hindi siya maingay sa mga kabutihan ginagawa niya, hindi gaya ng iba na ito ang ginagawang ingay para umangat,” depensa pa ni ‘Nay Lolit sa senador/action star.

Nilinaw nga rin niya na hindi tina-target ni Sen. Bong ang pagiging Presidente or Bise Presidente ng bansa at hanggang pagiging senador lang ang gusto nito kaya tigilan na ang pagnenega sa kanyang alaga.

“Huwag nyo ng isipin target ni Bong Revilla ang mataas na puwesto, maligaya na siyang maging isang Senador. Gusto parin niyang tuloy ang showbiz career niya na hindi naman siguro puwede kung isa kang Presidente o Vice President,” aniya.

Mensahe pa ng talent manager sa mga taong pilit na ibinabagsak si Sen. Bong, “Huwag nyo ng masyadong katakutan si Bong at kung anuanong issue ang ginagawa ninyo, tahimik siyang maging Senador at Action Star. Envy can kill, and will put you down, kaya huwag ng mainggit masyado sa isang Bong Revilla. Kanya kanya kayong trabaho iyon na lang harapin ninyo. Tigilan nyo na inggit nyo kay Bong Revilla. Maraming nagmamahal sa kanya, inggit lang kayo. Bongga.”

AUTHOR PROFILE