Kris

Kris, inirereto si Carla sa doktor na based sa Amerika

January 23, 2024 Vinia Vivar 119 views

Ang daming naaliw kay Kris Aquino na kahit may sakit, eh, nagawa pang retohan si Carla Abellana ng guy na pwede nitong maging boyfriend.

Sa latest health update kasi na ipinost ni Kris sa Instagram ay isa si Carla sa mga nag-comment at sinabing, “Prayers for you Ms. Kris.”

Ang reply ni Kris, “If you’re already in the process of getting annulled, we have a doctor friend based in OC who might be a great match.”

Natawa ang ilang netizens sa pagiging matchmaker ni Kris kahit na may dinaramdam ito.

“Great match maker talaga si MK kahit noon pa.. love love love,” komento ng isang netizen.

Isa rin sa sinagot niya ay ang komento ni Pokwang.

Sey ni Pokwang, “’Di ako mapapagod na ipagdasal ka araw araw.”

Sagot naman ni Kris, “pokey I miss your chicken sopas.”

Sabi naman ng komedyana, “@krisaquino kapag nasa Pinas ka padadalhan kita promise (emoji) we miss you (emoji).”

Samantala, marami ang naiyak sa latest health update ni Kris dahil lumala ang kondisyon nito. She revealed na mayroon na rin siyang lupus at nadagdagan na naman ang dosage ng kanyang gamot.

Halos lahat ay nangakong ipagdarasal ang paggaling ni Kris, kabilang na nga ang kanyang kaibigang celebrities.

AUTHOR PROFILE