Carnap WALANG KAWALA–Ito ang nahuling suspek sa pagnanakaw ng motor matapos na maaresto sa Sampaloc, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Nenok motor suspek kalaboso

March 19, 2024 Jonjon Reyes 80 views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District Sampaloc police station 4 sa Sampaloc, Maynila noong Linggo ang isang lalaki na suspek sa pangnenenok ng motor na ngayo’y nahaharap sa paglabag sa Anti-Fencing Law.

Nakilala ang suspek na alyas Noel, 46, ng Brgy. 432, Sampaloc, Maynila at kasama niyang si alyas Jose, 55.

Nagnakaw umano ng motorsiklo na Honda Click bandang alas-4:30 ng umaga ang suspek.

Base sa salaysay ng 22-anyos na biktima, ninakaw ang kanyang motorsiklo matapos na iparada nito sa nasabing lugar para dumalo sa birthday party.

AUTHOR PROFILE