Default Thumbnail

Negosyante timbog sa pagkamatay ng kasambahay

October 24, 2022 Jonjon Reyes 349 views

SUMALANG sa ballistic examination ang balang tumama sa isang 20-anyos na kasambahay, makaraang tamaan ito sa kanang ibaba ng tenga at sa kanang tagiliran, sa isang insidente umano ng pamamaril sa Sampaloc, Maynila, madaling araw nitong Lunes.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD) Homicide Section ang isang alyas “Kristine”, negosyante, na taga-Baguio City.

Ang nasawing kasambahay sa loob ng isang sasakyan ay tubong Binalonan, Pangasinan.

Batay sa ulat ni Det. John Charles Duran, na ibinigay kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, bandang 1:45 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang pamunuan ng MPD Station 4 hinggil sa narinig pagpapaputok ng baril mula sa loob ng kulay itim na Ford Ranger pickup.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Station Tactical Motorized Riding Unit (TMRU) ng Sampaloc Police Station sa Mindanao Avenue malapit sa Mindoro St. sa Sampaloc.

Nagmatyag sandali ang mga operatiba at habang hinihintay nila ang imbestigador, dito na agad nagtungo sa lugar si P/Maj. Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD.

Dito na umano sila pinaputukan ng nasa loob ng sasakyan, hanggang sa magawa nila itong mapigilan at dito na tumambad ang patay na biktima na isa umanong kasambahay.

Nagtatakbo pa papalayo ang babaeng suspek patungong Ramon Magsaysay Boulevard pero nasakote din ito sa huli.

AUTHOR PROFILE