Default Thumbnail

Negosyante, 63, tumalon mula sa ika-5 palapag, dedo

November 30, 2022 Jonjon Reyes 259 views

LASOG LASOG ang katawan, at namatay doon din ang isang 63 anyos na negosyante, makaraang tumalon mula sa ika- 5 palapag ng gusali sa Dagupan Street malapit sa Malong St.,Tondo, Manila.

Ang biktima ay residente ng Jose Abad Santos Avenue.

Base sa ulat ni Police Lt. Daniel Gaddi Jr., Blk.Commander ng Manila Police District – Tayuman Police Community Precinct sakop ng Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 4:00 ng hapon nang ireport sa kanyang tanggapan ang nasabing insidente.

Dahil dito, agad siyang nagtungo sa nasabing lugar kasama si Police Staff Sargent Emiliano Buño at iniutos nito na ikurdon ang kinaroroonan ng bangkay ng biktima saka ipinagbigay alam kay Police Lt. Dennis Turla , hepe ng MPD- Homicide Section.

Kasama ang Forensic Unit na pinangunahan ni Police Captain Gloria Cortes na nag imbestiga sa pangyayari.

Ayon sa kapatid ng biktima may iniinda umano itong karamdaman at may kaugnayan sa kanyang negosyo.

AUTHOR PROFILE