NEECO

NEECO 1 naglunsad ng clean and green project

March 1, 2024 Steve A. Gosuico 118 views

SAN ISIDRO, Nueva Ecija–Inilunsad ng Nueva Ecija I Electric Cooperative Inc. (NEECO) noong Peb. 29 ang “Plant A Leaf This Leap Year,” isang clean and green project, na naglalayong itaas ang kamalayan ng mga consumers tungkol sa mga benepisyo ng green technology.

Umabot sa 30 fruit-bearing trees at 60 seedlings ng gulay para sa papaya, kamatis at talong ang itinanim sa likod-bahay ng barangay hall.

Pinangunahan ni NEECO 1 acting manager Engr. Loreto Marcelino ang aktibidad kasama sina board of director Engr. Teresita Vega, Institutional Services Department manager Ma. Lotie Villamarin at mga kinatawan ng NEECO 1 Member-Consumer-Owners Organization.

Nagpasalamat kay Bgy. Captain Ariel Bundocang ang mga opisyal ng NEECO 1.

AUTHOR PROFILE