Posas

Namasok ng bahay sa Maynila tiklo

November 24, 2023 Jonjon Reyes 209 views

HINULI ng mga operatiba ng Manila Police District-Malate Police Station 9 ang Isang lalaki na pumasok sa bahay sa San Andres St., Brgy. 724, Zone 79, Malate, Manila noong Biyernes.

Natimbog ang suspek na si alyas Rodel, 22, ng Brgy. Bahay Toro, Project 8. Quezon City sa tulong ng mga barangay tanod.

Sa report ni Police Lieutenant Nelson Cortez, station commander, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang pasukin ni alyas Rodel ang bahay ng 35-anyos na coordinator sa nasabing lugar.

Agad na humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang tanod at mga tauhan ng Adriatico Police Community Precinct ang may-ari ng bahay kaya natimbog ang papatakas na suspek.

Nahaharap sa kasong trespassing to dwelling ang binata, ayon kay Police Chief Master Sergeant German Garino, ang may hawak ng kaso.

AUTHOR PROFILE