Default Thumbnail

Nakipaglaro sa demonyo, dedo

September 4, 2023 Dennis Abrina 228 views

BACOOR CITY, Cavite – Patay ang isang security guard matapos tumama sa kaniyang ulo ang bala mula sa baril na itinutok mismo ng biktima at aksidenteng nakalabit ang gatilyo, habang naka-duty sa kumpanyang kaniyang pinagtatrabahuan nitong Linggo sa Barangay Panapaan 6 dito.

Ayon sa Bacoor Police, ang biktima ay nasa hustong gulang, isang security guard at residente ng Agustin Village, Bgy. Panapaan 6, Bacoor City, Cavite.

Nakita ang biktima na duguan ang ulo sa mismong puwesto nito.

Sa imbestigasyon ng officers-on-case na sina Police Sergeant Jose Marie Natanawan at Patrolman Levin E Sinatad, bandang 8:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa Altaco Motors Corp. sa Bgy. Panapaan 6, kung saan naka-duty ang biktima.

Nakita ng isang saksi na tila naglalaro ng kaniyang baril ang biktima. Nagulat na lamang ang saksi nang biglang itutok ng sikyu sa ulo ang armas na pumutok.

Duguan ang biktima at agad na namatay. Ayon sa mga Facebook post ng biktima, may mabigat siyang problema.

Patuloy ang follow-up ng pulisya habang narekober sa kanang kamay ng biktima ang baril na ginamit na armscor pistol M1911 A1 FS GI model at may Serial No. 1610335 (9MM) at nasa kaliwang kamay nito ang magazine ng nasabing baril.

AUTHOR PROFILE