Default Thumbnail

Nakipag-inuman kay kamatayan

June 21, 2022 Jonjon Reyes 245 views

DALAWANG lalaki ang mistulang nakipag-inuman kay Kamatayan matapos tarakan sa leeg sa isang inuman na nauwi sa kompromtasyon madaling araw ng Martes sa Tondo, Maynila.

Ang masayang inuman ay nagtapos sa kaguluhan kung saan ang isang lalaki ay namatay matapos tarakan sa leeg habang isa ay malubha ang kalagayan.

Kinilala ang nasawi na Alfredo Aboy, 43.

Inoobserbahan naman sa Gat Andres Memorial Medical Center dahil sa tama ng saksak sa katawan mula sa gunting si alyas Tatay Rico,” tricycle driver.

Base sa ulat na isinumite ni Det. John Kevin Zuñiga kay P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente bandang 1:15 a.m. sa harap ng isang bahay sa Carlos P Garcia St.

Nagkaroon umano ng komprontasyon ang dalawa pero naawat sila at umalis si alias Tatsy Rico. Maya maya ay bumalik ito at umano’y sinaksak si Aboy na armado naman ng gunting at gumanti rin ng saksak.

AUTHOR PROFILE