EOD Ipinamalas ng EOD sa simultaneous exercise ang isang robot na kayang mag-defuse ng bomba kung kakailanganin. Kuha ni JONJON REYES

MPD handa laban sa mga ‘panggulo sa Pangulo’

June 20, 2022 Jonjon Reyes 360 views

Simultaneous exercise isinagawa sa Nat’l Museum vs ‘bombers’, ‘protesters’

NAGSAGAWA ang Manila Police District (MPD) ng Simultaneous Exercise (SIMEX) sa National Museum sa Taft Avenue , Ermita, mahigit isang linggo bago ang inagurasyon ni incoming President Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Pinangunahan ni Manila Police District Director, P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco,PCol. Arnold Thomas Ibay CDDS, P/ Lt.Col.Jonathan Villamor, Station Commander ng MPD- Ermita Police Station 5 , at iba pang mga operatiba ng MPD SWAT,MDTEU, mga miyembro ng Explosive and Ordnance Division ( EOD) , mga tauhan ng District Mobile Force Batallon ( DMFB ) na pinamunuan naman ni P/ Col. Julius Añonuevo, ang pagsasagawa ng SIMEX na nagsimula bandang 8:30 a.m.

Ipinamalas ng EOD ang isang robot na kayang mag-defuse ng bomba kung sakaling kakailanganin.

Naroroon din ang mga operatiba ng MPD- Special Weapon’s and Tactics (SWAT) upang magmatyag at mapigilan ang mga manggugulo sa inagurasyon ni Marcos.

Ang DMFB ang magbabantay sa mga magkikilos protesta at sisiguruhing hindi magkakaroon ng bayolenteng kaganapan o masasaktan.

Kasama rin sa ehersisyo ang agarang gagawin ng pulisya kung sakaling may masaktan sa kanilang panig.

Ayon kay MPD PIO P/Maj.Philipp Ines, nakatakdang isara sa araw ng inagurasyon ang kahabaan ng P.Burgos, Maria Orosa St. maging ang kahabaan ng Lagusnilad sa may Manila City Hall. at Taft Ave,sa Finance Road sa likod ng nasabing Museum.

Mahigpit ding Iniutos ng PNP at Francisco ang “no backpack, no fly zone”sa paligid ng museum.

AUTHOR PROFILE