Magi

Nagpapalusot Na Ospital

February 3, 2024 Magi Gunigundo 132 views

HINDI dapat panghinaan ng loob ang pasyente at pamilya ng pasyente na napinsala ng kapabayaan ng kawani ng ospital. Sa Nogales v Capitol Medical Center (GR # 142625, Disyembre19,2006) namatay sa kumplikasyon sa panganganak ang 37 taongulang napasyente sa pagsisilang ng kanyang ika-apat na anak. Sa pre-natal check up pa lang ay may high blood at leg edema ang pasyente, mga sintomas ng preeclampsia na mapanganibpara sa buntis at pinagdadalantao. Napatunayan sa mababanghukuman na nagpabaya ang OB-Gyne na si Dr. Oscar Estrada, isang independent contractor ng Capitol Medical Center, at pinagbabayad ng P105k bilang actual damages, P700k bilangmoral damages , attorney’s fees at cost of suit. Umapela sa Korte Suprema ang biyudo ng pasyente upang panagutan din ng ospital ang pagpapabaya na humantong sa kamatayan ng kanyang mahal na kabiyak.

Dalawa ang depensa ng ospital: 1) hindi empleyado ng ospital si Dr.Estrada kaya wala silang “vicarious liability” o kahaliling pananagutan; at 2) may pinirmahan ang biyudo nawaiver o blanket release sa responsibilidad ng ospital sa lahat ngmaaaring maganap na pagpapabaya sa biglaang pag-aalis ng matres( hysterectomy) na sanhi ng malubhang pagdudugo ng pasyente na siyang kinamatay nito.

​Una, pinaliwanag ng Korte Suprema na sa mga kaso ng medical negligence, tinuturing ng batas na may employer-employee relationship ang ospital at mga consultants nila. Binubusisi ng management ng ospital ang titulo at karanasan ng isang doktor bago ito hirangin na consultant ng ospital. Bukodpa rito, ang consultant ay may obligasyon na bisitahin ang mgapasyente na naka-confine sa ospital kasama ang mga residente, intern at nars; dumalo sa mga kumperensiya at sumailalim sareview ng peer committee na tinitingnan ang mortality at morbidity statistics ng mga pasyente ng consultant. Bagamatwalang tinatanggap na suweldo ang consultant, ang ospital ay may kapangyarihan na kumasundo , pamahalaan at sisantehinang consultant na sablay sa pagbibigay ng maayos na pag-aalagasa mga pasyente nito.

​Ikalawa, ang ospital ay may vicarious liability din sa ilalimng Art. 2180 Civil Code sa pagpapabaya ng kanilang ‘independent contractor” kung ang ospital ay kumilos sa anomang paraan upang mapaniwala ang isang ordinaryong tao naang kanyang doktor ay isang empleyado ng ospital. Ito ang doktrina ng “apparent authority” na bahagi ng mas malawak nakonsepto ng “estoppel” sa Art. 1431 Civil Code. Halimbawanito ang pagtanggap ng pasyente ng independent contractor saemergency room ng ospital dahil sa tawag ng independent contractor, ang pagdating ng medical team ng ospital saoperating room upang magsagawa ng paninistis atpagpapapirma ng nars o empleyado ng ospital ng isang waiver o blanket release gamit ang letterhead ng ospital.

​Ikatlo, ang responsibilidad sa simpleng pagpapabaya ay hindi matatakasan ng ospital, bagamat maaaring mapababa ng hukuman ang sagutin ng ospital ( Art. 1172 Civil Code). Sinasabi rin ng Kodigo Sibil na ang waiver ng “future fraud”, at kabilang dito ang pagpapabaya na may bad faith na katumbas ng fraud, ay walang bisa( Artikulo 1171 CC). Dahil dito, ang waiver o blanket release na nilagdaan ng biyudo ay balewala.

Ika-apat, ang pamilya ng isang taong may medical emergency at malapit ng malugatan ng hininga ay walang lakasupang tumawad o makipagkasundo ng patas sa ospital sapagkatbawat sandali ay mahalaga upang mailigtas sa kamatayan ang pasyente. Ika nga, hawak sa leeg ng ospital ang pasyente at kanyang pamilya. Sa madaling salita ang isang waiver o blanket release sa ano mang responsibilidad ay isang kontrata napabor na pabor sa isang panig lang- sa ospital ( Art. 1377 Civil Code) at ano mang interpretasyon ng mga salitang ginamit sawaiver ay hindi dapat pumabor sa ospital.

Ito ang apat na dahilan kung bakit sa kaso ng Nogales ay pinag-utos ng Korte Suprema na ang Capitol Medical Center aymanagot sa halagang katumbas ng daños perwisyo na babayaranng doktor ni Corazon. Isa itong aral para sa mga ospital naharapin at huwag takbuhan ang responsibilidad sa pasyente nilakung may nagpabaya sa kanilang medical team , at sa pasyente na huwag panghinaan ng loob sa winawagayway na waiver o blanket release ng nagpapalusot na ospital.

AUTHOR PROFILE