Nadine

Nadine, ’di kailangan ng loveteam para maging best actress

January 15, 2023 People's Tonight 310 views

Sa thanksgiving party ng Viva Films para sa Deleter na humakot ng awards nitong MMFF 2022 (best picture, best director at best actress na nagetlak ni Nadine Lustre), hindi puwedeng hindi magtanong si yours truly during the Q&A portion.

Si Nadine lang ang tinanong ni yours truly na tipong may konek sa dati niyang ka-tandem o ka-loveteam pero wa na mention ng name.

Si Nadine rin naman, sa mga sagot niya, tipong may konek din sa dati niyang ka-loveteam pero wa rin siyang nag-mention ng namesung nitey.

For sure kasi may mga magri-react sa mga faney nila at baka mang-bash pa, wanna bet, ha?

Ang tanong ni yours truly kay Nadine, naninwala ba siya na sa malalim na Tagalog ang meaning ng Deleter ay… “nilaglag”?

Nangyari na ba sa kanya ‘yon in real life?

“Hindi all. Sa atin naman lahat, kumbaga, journey na ng mga tao ‘yon, eh.

“2023 na, isyu pa ba ‘yon (with matching natatawa na ikinatawa rin ng halos lahat ng present sa nasabing thanksgiving party)? Sa atin namang mga tao, may mga nag-i-stay. Normal lang naman siya. May mga taong hindi naman nag-i-stay forever. Normal ‘yon.

“Meron mga tao na mami-meet mo tapos ano lang sila… ‘eto lang ‘yung hangganan. ‘Yun lang ang purpose nila. Hanggang du’n lang.

“Tapos kung na-serve na nu’ng taong ‘yon ang purpose niya, hindi naman necessarily na mag-i-stay siya forever,” ang mahabang sagot ni Nadine na very meaningful, in pernes.

Naniniwala ba siya na ang tao ang siyang gumagawa ng sarili niyang kaligayahan o kalungkutan?

“Ang lalim naman nu’n! Hahaha! Ano pa ba ang maisasagot ko du’n kundi oo na lang? Hahaha!”

Well, para sa amin, mas mabuti na lang na piliin ang maging masaya at lumaban sa buhay lalo na du’n sa mga taong naglalaglag sa iyo at ipakita mo na kundi man merong sasalo sa iyo ay kusa mong pipilitin ang iyong sarili na muling marating ang itaas at abutin ang iyong mga pangarap.

Boom, ganern!

So, look at Nadine Lustre, naging best actress at best picture ang kanyang Deleter without loveteam, devah naman mga Mosang, Marites at Marisol?

‘Yun na!. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE