Default Thumbnail

Nadine buntis na naman

June 11, 2021 Aster Amoyo 563 views

STARSTRUCK alumna and actress Nadine Samonte (33) is pregnant with her baby No. 3 sa kanyang husband of more than seven years na si Richard Chua, ang kaisa-isang anak ng veteran actress na si Isabel Rivas at pinsan ng Viva young actor na si Marco Gumabao. The couple who got married on October 20, 2013 sa farm ni Isabel in Zambales shared in their respective Instagram account the good news.

Ang dalawang naunang anak ng mag-asawa ay sina Heather Sloane (2) ay isinilang nung August 27, 2016 habang ang kanilang second child na si Augustus Titus (2) ay nung April 28, 2019.

Hindi pa sini-share ng couple ang gender ng kanilang magiging pangatlong child.

Tuwang-tuwa naman siyempre ang actress na si Isabel dahil magta-tatlo na ang kanyang apo with her only son, Richard.

Before settling down, si Nadine ay isa sa original avengers ng reality talent search ng GMA, ang Starstruck Season 1 kung saan sina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang tinanghal na Ultimate Survivors (winners) nung 2004.

Nagpatuloy si Nadine sa pagiging actress ng Kapuso Network pero bago siya nag-asawa ay Nakagawa rin siya ng ilang projects sa bakuran ng ABS-CBN.

Pagsasama nina Bea at John Lloyd magulo pa

“NO Goodbyes” ang titulo ng magiging reunion project ng perennial screen partners na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na muling pamamahalaan ni Cathy Garcia under Star Cinema. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhan kung ito’y matutuloy dahil sa mga haka-hakang muling magtatambal ang dalawa either sa isang movie project na nakatakda umanong I-co-produce ng GMA Pictures at ng sariling produksyon ng game show host-producer na si Willie Revillame na nakatakda ring idirek umano ng box office director na si Cathy Garca-Molina.

Nag-speculate lamang ang mga tao tungkol dito nang makitang magkakasama sa resort ni Willie Revillame sina John Lloyd, Willie, Edgar `Bobot’ Mortiz, Direk Cathy at ang dating head ng Star Cinema na si Malou Santos.

May gagawin umanong TV sitcom si John Lloyd at Willie sa GMA which will be co-produced ng GMA at ni Willie kung saan lumulutang ang pangalan ng ex-girlfriend ni Derek Ramsay, ang Kapuso actress na si Andrea Torres na makakatambal umano ni JLC. Si Bea naman ay kumpirmadong gagawa ng movie with Kapuso prized actor na si Alden Richards na joint production ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment at nakatakdang pamahalaan ng TV and movie director na si Andoy Ranay. Ang kuwento ay base sa Japanese TV series na “Pure Soul”.

Dahil sa magkahiwalay na proyekto nina John Lloyd at Bea sa GMA, marami ang nag-speculate na sa GMA mangyayari ang reunion movie or TV project ng dalawa na parehong homegrown talents ng ABS-CBN.

Nariyan pa ang balita na lilipat umano ng GMA ang co-founder at dating head ng Star Magic, ang veteran director na si Johnny Manahan at longtime partner nito na naging head din ng Star Magic na si Mariole Alberto.

Speaking of John Lloyd at Bea, ang dalawa ay magkasama sa isang zoom conference kasama ang head ng ABS-CBN restoration project o Sagip-Pelikula na si Leo Katigbak, ang box office director ng Star Cinema na si Cathy Garcia Molina, ang screenwriter na si Vanessa Valdez at dating Kapamilya stars na sina John Lloyd at Bea. Ito’y may kinalaman sa restoration ng 2010 movie ng dalawa, ang “Miss You Like Crazy” na first movie screenplay ni Vanessa which she wrote in 2004.

Samantala, kahit wala na sa bakuran ng ABS-CBN sina John Lloyd at Bea, umaasa pa rin ang kanilang mga supporters na sana’y matuloy pa rin ang kanilang pagsasama sa movie ng Star Cinema, ang “No Goodbyes”.

Claudine all praises kay Mark Anthony

KAHAPON araw ng Biyernes, June 11 nagsimula ang filming ng balik-tambalan sa pelikula ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa pelikulang “Deception” mula sa panulat ng writer-director na si Easy Ferrer at direksyon ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ito’y joint production ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Tuwang-tuwa naman ang teen-actress at commercial model at bagong Viva talent na si Yuki Melendres dahil kasama siya sa reunion movie nina Claudine at Mark na una at huling nagtambal sa mga pelikulang “Pare Ko” at “Mangarap Ka” in 1995 and that was almost 26 years ago. Kasama rin sa pelikulang “Deception” sina Chanda Romero (who plays Claudine’s mother in the movie), Sheree Bautista, Jaycee Parker, Miggs Cuaderno (who portrays the son of Claudine), Gerald Santos, Jim Pebangco, Mayton Eugenio, Julia Parizcova Segovia, Rose van Ginkel, Tori Topacio, Shaine Vasquez at Jacq Yu.

Si Direk Joel ay special request ni Claudine sa kanyang comeback movie na dumaan sa iba’t ibang casting changes.

Sina Claudine at Mark Anthony ay huling nagkasama sa telebisyon nang mag-guest ang huli sa dating drama anthology ni Claudine sa GMA in 2010. Ang dalawa ay parehong un-attached ngayon. Si Mark Anthony ay matagal nang hiwalay sa kanyang ex-wife na si Melissa Garcia kung kanino siya may isang anak, ang young actor na si Grae Fernandez habang si Claudine ay hiwalay na rin sa kanyang ex-husband, ang actor na si Raymart Santiago kung kanino siya may two grown up kids, ang kanilang adopted daughter na si Sabina (17) at biological son na si Santino (14). Bukod sa dalawa, may dalawa pang adopted kids ang bunsong kapatid ni Gretchen Barretto, sina Quia (5) at Noah (2).

“Ang maganda kay Mark, he has remained a gentleman and a friend all these years and he never talked ill of me,” ani Claudine.

Kisses may pagsisisi?

HINDI kaya nagsisisi ngayon ang 22-year-old ex-PBB housemate at dating contract artist ng Star Magic na si Kisses Delavin sa kanyang pagkalas sa team-up nila ni Donny Pangilinan at pag-alis sa talent management ng ABS-CBN para lumipat ng GMA?

Donny is ABS-CBN’s newest matinee idol in the making with Belle Mariano as his new loveteam.

Kinagat ng mga manonood ang first team-up sa telebisyon nina Donny at Belle or DonBelle sa pamamagitan ng TV series na “He’s Into Her” na makailang beses ding nag-trending sa Twitter.

Si Belle isa isang homegrown talent ng ABS-CBN na nagsimula as a child star sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” habang si Donny was already in his late teens when he joined the Kapamilya network.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE