Deleter

‘Naddicts’ nagkagulo sa trailer ng ‘Deleter’

November 6, 2022 Ian F. Fariñas 413 views

TRENDING topic kahapon sa Twitter ang #DeleterMovie ni Nadine Lustre at nagkagulo muli ang “Naddicts” sa paglabas ng official trailer ng techno-horror entry ng Viva Films para sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

May rason namang manggigil ang fans ni Nadine dahil bale ito ang big screen comeback ng aktres matapos ang ilang panahong pamamahinga sa paggawa ng pelikula.

Anyway, mula sa direksyon ng multi-award-winning director na si Mikhail Red (direktor ng Eerie at Bird Shot), kinatatampukan din ang Deleter nina Louise delos Reyes, McCoy de Leon at Jeffrey Hidalgo.

Mapapanood ito sa mga sinehan simula Dec. 25.

AUTHOR PROFILE